Wednesday, December 5, 2012

We did it!!! :) SLMC-GC Associates! :)




I am so Happy to inform everyone that we passed the JCIA! We are now accredited by the Joint Commission International :) as for those who don't have idea what is JCI all about, I can give you a bit of info. about it just click this link --->JCI webpage very informative right? haha :D though I know most you didn't click it anyway, unless you're really interested. :)

It was really a great experienced taking part of the first JCIA in our hospital :) during the first day up to the last day of the accreditation you will notice that most of Us (associates) are wearing light make-up and tied up our hair. No Late comer,  another thing is that, we rarely use the lift in going to different floor unless it's really far, we even avoided going out of our Unit unless it's necessary :D haha because we feared that, we might bumped into them (surveyor) at matanong pa at (oh I care about my job! So I'll run for my life and future). ^___^ mwahahaha just kidding! hmmm.. if I were to be ask, I will definitely collapse! haha charot! I'll do my best and answer their question truthfully. Ansabe?!!! haha uunahan ko na sila! here's my line : "so you're asking me, what is PASS, RACE, Mission and the likes?, Oh come on! why don't you ask me  the most basic question like, Mission, Vision and my role here?" kasi I memorized it with all my heart! haha okay! okay! enough with my kalokohan.. what is importat is that like the SLMC-QC, we passed the Accreditation! yeyyy!!!! Bonus! bonus! bonus! haha

Surveyor's Comment:
They said that it is Equipped beautifully, Impressed with the facilities as well as to the Associates :) (oh! thank you) :) they even want to extend the survey..oh Goshness! haha fortunately it was a joke! a very good joke right? :))

We did it! with really flying color 9.89 out of 10!!! Hello Gold Seal! :) <3 p="p">

December 01, 2012

Our Unit Party! Welcoming December and Celebrating the Accreditation at the Cattleya farm Resort in Antipolo, Rizal :) It's a Blast! King's Cup, Swimming, and Foodssss



Thursday, November 29, 2012

To God be the Glory :) *were claiming it na talaga.

Good morning blogosphere! :) I'm here again  :) to give, some update on what is happening with me lately..

First, were currently undergoing JCIA week now.. that started last Monday, Nov. 26-30, 2012  and as one of the SLMC-GC Associate I'm quite nervous..well all of us are nervous/anxious/scared. since it's our first time to have JCIA. unlike in QC some of the associates there had already experienced the JCI re-accreditation back in 2009 and as for this year Pasado ulit ang SLMC-QC with flying colors 9.something sila, huwaaww lang talaga that was really HIGH! and they're expecting us GC associates to have perfect 10. (Gold seal) ermahgherddd were like, O_O pressuredddd daig pa namin ang bulalo sa pressure cooker. kaya naman during the QC jcia week..todo na ang preparation namin sa global city,,as in we have updates from qc..kung saan yung first area na napuntahan ng mga surveyor..at kung anong unit yung mga natanong at hindi nakasagot..at dahil dun sobrang kaba na din talaga kami..at super duper uber mega prepare each unit..as in OT dito, RBUT, Offset.. for 2 consecutive week. once lang din ako nag-off kasi, marami din inaayos sa unit namin.. we have to make sure na our Unit won't give problem to the whole hospital.. we checked on our files, mauals, machine, e-cart and the likes.. nandun yung pagod ka na sa pagpa-pasyente pero you have to stay to clean and check on our files.. puyatan talaga..yung tipong sobrang bigat na ng mata mo at bibigay na din yung katawan mo sa sobrang pagod.. tapos di lang yun.. we have to attend some seminars and review again our policy and ofcourse we have to make sure na we know our JD and review our notes on BEPADCT, ACLS, ICBC and the likes. haayyy! super energy draining talaga ang preparation, lahat ng Unit makikita mo talga yung Unity.. nandun kasi din yung determinasyon/hope namin na ma-ipasa yung accreditation :) at sa ngayon 3rd day na ng JCIA.. off ako today so wala akong balita..but before ako mag-off Positive naman ang feedback at very impressed daw sila sa facility namin. (one of the World's Best eh) hehe :) we just hope na maka-pasa kami.. we still have 2 days. sana if ever na matanong ako..makasagot ako at wag akong kabahan para maka-sagot ako ng maayos. but if possible..sana wag na lang akong matanong.. hehe pero kung walang choice..ok lang din.. haaaaayyy... sana lang talaga... makapasa din kami. Anyway sabi nga nila.. Claim it na! so yes! JCI Accredited na ang SLMC-GC (2012) :) whoooohooooo magkano ang JCI bonus? hehe oo na, ako na, ako na optimistic. :) yes I am! 






                                                                         -photocreditto: M.Cheska :)



btw, I changed my layout.. Kasi parang it's so boring na din..and medyo nagsawa na ko.. pero di ko din naman naayos sa gusto ko talaga..tingin ko nga mas lumala pa? what do you think mga ka-blog? :) does my current layout, too boring? was it too teeeennyy and doesn't suit my age? haha am I too emo, with my current layout? 

anyway, I kinda like my new layout din naman kasi.. I love the rain effect on it..
plus I just feel like I have to change it na..since I'm more mature now that I was. (whoaa! really?) haha okay sige konti lang. :p

last but not the least! Issue? hahah the issue my life! Lovelife! I just had conversation AGAIN with my dearest friend *Teen.. haaaaayyyy shempre were both ranting pa, why we still don't have boyfriend. we're trying to figure out what's wrong with us. and WHY, WHY, WHY , why am I still single?

P.S 
- I left my diary here in our house last week..
errrrrrggghhh talaga! I'm so st*pid talagaaaa,
napaka-makakalimutin ko talagaaaa
and I'm 99% sure that my Mom read it.

Friday, September 21, 2012

Summer Escapades! :)

It's good to be back! :) I really missed blogging... I've been busy with my work and summer getaway! :D yeah right super extended summer outing... as in walang pahinga..sunugan ng balat! :)) 


Our company outing SLMC-GC summer getaway at STILTS Batangas *April 2012





Meralco Development Center, Antipolo City *Heart Institute, Teambuilding *May 2012


 after duty @SLMC-GC B3, otw to MDC :)



after Party, coffee break at session with our guest :))

Mt. Malarayat Country Club, Lipa City Batangas :) *Stress Lab. Summer Getaway-June 2012






Golden Sunset, Batangas *Monggies (College Friends Reunion :) *June 2012






Puerto Princesa, Palawan Getaway *Monggies Part II :)
 *July 2012







Monday, March 19, 2012

Pimplessssssssss :'(

Haaaayyyy ang bilis talaga ng araw.. March naaaaa pero may mga pimples pa din ako :’( huhuhu whaaaaaaa ayoko na talagaaaa…di ko na talaga alam gagawin ko..dahil lang sa kagustuhan kong matanggal yung nag-iisang pimple ko sa noo nung November (2011) mas lalong nag-worsen huhu.. siguro halfway ng nov. yun bumili ako ng set ng celeteque..ung facial was, toner and moisturizer.. yung first week okay naman siya..nakita ko yung changes.. ang smooth sa face..so enjoy na enjoy ang lola..pero parang napapansin ko..may pa-isa-sang pimple..mawawala tapos may kapalit..di ko pinansin since pa-isa-isa lang naman..pagdating ng dec. medyo may pattern na.. 3 sa right cheek ko..pa-slunt pa nga eh..di pa ko maxadong nag-alala..@ dahil paubos na yung nabili ko..bumili ako at yung malalaki na.. eh magaling talaga ko..before mag new year may pimples pa din ako..pero di pa sya ganon kalala..kaya keribels lang..pagdating ng January.. may mga bago na naman..@ di lang yun meron na din sa left cheek ko. Dalawang malaking pimplesssss T_T whaaaaaaaa @ sa right cheek ko may isang malaki..at may maliliit..huhuhu oh noooooo talagaaaa  super di ko na lam gagawin ko..yung mga kasama ko sa work nagulat, lalo na yung mga matagal kong hindi nakita..ano daw ngyari saken…tapos si Ma’am Love..tinanong ako kung bakit nga daw nag-ka-ganito yung mukha ko..ayun sinabi ko na may ginagamit ako…yun ngang complete sets ng celeteque..sabi nya tigilan ko na daw kasi nag skin breakdown daw ako.. actually first time ko din kasing gumamit ng toner..siguro di lang talaga ko hiyang dun... so that day pumunta kami sa Watson para bumili ng ponds..balik pond’s na lang ulit ako..kasi yun naman na yung matagal kong ginagamit..na-inarte lang talaga ko kaya nag-celeteque ako..( uy..di ko intention na siraan yung celeteque.. di lang talaga ko siguro hiyang dun) btw, pagdating sa corner for facial products.. may promodizer..so ayun nagtanong ako sakanya kung ano ba yung mga dapat kong gawin or bilhin..then ayun di ko namamalayan I started complaining nap ala..so sinabi ko nga na simula nung gumamit ako ng cleteque nagka-pimples ako..at kung ano-ano pa..pero shempre in a nice way..nang bigla akong mapatingin sa name plate nya… Ooooohhhh Myyyyy Gosh! Nalerkie talaga ko..kasi taga-celeteque lang naman si Ma’am..so ayun nagulat ako nag-sorry..shmpre ang rude naman din kasi ng dating..ayun nag-sorry ako..and sabi nya okay lang daw..atleast alam daw nila..okay naman siya..she’s really nice..nag-bigay din sya ng mga tips..at may pinapagamit sya saken na acne gel ng celeteque..nilagyan nya yung 3 pimples ko..then actually okay naman…medyo nag-dry din..pero takot na kasi ko gumamit ng celeteque.sorry talaga… tapos ayun..sobrang nakakababa na talaga ng self-esteem..huhu din a nga ko kagandahan nagka-pimples pa ko :’( anon g mangyayari sakennnn, pano ko nito makikilala ang prinsipe ko ng ganito ang itsura ko..huhuhu I can’t take it anymoreeee hehe ang arte eh noh..but seriously..ang hirap talaga..grabe! since December hindi na ko nakakapag-make-up! Puro lipstick na lang..miss ko na nga mag-blush on eh..pati nga pag-curl ng eyelashes ko di ko na din maxado nagagawa..kasi naman parang umiiksi na..at naglalagas pa..my gulaaaaayyy talaga diba..parang lahat na lang..huhu at nung feb.siguro 2nd week yun..nagsimula ko gumamit ng panoxyl 10% acne gel..@ nag-self medicate na naman ako.. ni-recommend ni Ugat..okay naman mabilis nga mag-dry..actually medyo gumagaling na nga nung last week ng feb..pero dahil makulit talaga ko @ natatagalan sa resulta..bumili pa ko ng likas papaya @ ginamit din yun sa mukha ko..so ang routine ko, after pond’s, likas.. and then saka ko mag lalagay nung a.gel.. after 4 days.. tadan!!! Umariba na naman yung pimples ko..huhuh at napansin nila na parang lumala..whaaaaaaaaaaa huhuhu kaya tinigilan ko na..until now..pond’s at panoxyl na lang talaga..medyo may mga.. talagang mga kasi medyo madami..though pagaling na din..haaaayyy sana before mag irthday ko magaling na sila.. :’( kahit yun na lang ang gift mo pos a akin God.. Haaayyyy sana lang talaga gumaling na sila..lahat na lang kasi ng makakita saken..paulit-ulit ang tanong..anong ngyari daw saken..huhu tsaka ayoko na ng ganito..







Tuesday, February 14, 2012

Independence Day!

Eh ano naman kung Valentine's Day ngayon?! So what! It's just an ordinary day, nothing special! Ewan ko lang bakit parang napaka big deal ng araw na 'to sa mga tao.. Sa tv, radio, online @ sa trabaho eh trending talaga! >.< so what kung wala akong boyfriend! Dapat ba meron para IN ka today? Tse! I have my Girl Friends naman eh! Yan..Yan..Ang paulit-ulit kong linya tuwing araw ng mga puso! Napaka-bitter no?.. I know right! Haaay..Kasi naman..Uulitin ko nanaman..23 years na ko sa mundong ito..Simula nung mamulat ako sa mundo ng lovelife hanggang ngayon..Di ko pa din naranasan mag-date sa valentines day.. Pati na din ang makatanggap ng flower, love letter or card..Nung grade 6 ako..Naiinggit ako sa mga nakakatanggap ng flower/love letter sa campus namin..Nung minsan kumuha ko ng rose sa flower arrangement after ng program namin sa stage..Kunwari binigay nung crush ko. Haha adik lang diba..Nung highschool naman ako..Bumibili ako ng rose para sa sarili ko..Para kunwari may nagbigay saken..What a fool right? Pero di lang naman ako gumagawa nun..Amp! @ nung college..Pinilit kong bilihan ako ni christian ng paper roses! :D haha @ wala siyang nagawa kundi bilihan ako..Siya yung guy bestfriend ko. :) sobrang close kami kaya ang kapal kapal ng mukha ko sa kanya! Naging crush ko siya dati, pero nung naging close kami nawala na ü saka ko na ikkwento si christian! Ibang story yun..Ang importante hanggang ngayon close pa din kaming magkaibigan :) at sa kasalukuyan naman tuwing valentine's day...

Tuesday, January 17, 2012

Not on Duty... :)

Masaya ko kasi nagagawa ko yung mga ibang bagay na ipinangako ko na gagawin ngayong 2012 :) isa na dun yung pagsulat sa journey book ko everyday...madali na kasi kong makalimot ngayon...feeling ko talaga magkakaroon ako ng amnesia or parkinson's pagtanda ko...*knock on wood* wag naman sana..pero maganda na din yung handa ka diba..hehe anyway, ayoko na din kasing mag-sisi ulit kung bakit yung ibang pages ng 2011 planner/journey book ko ay blanko...kasi naman ang tamad tamad kong mag-sulat..puro lang ako update ng update via online...kaya ayan tuloy...walang laman yung mga notebook ko... di ko na din ma-recall masyado yung mga ngyari nung mga araw na yun...well anyway, wala na kong magagawa dun.. kaya nga masaya ko ngayon kasi medyo, kumpleto ang entry ko sa journal ko :)

My 2011 Planner/Journal :) *Closed.


My 2012 Planner/Journal *Newly open :)


Last Sunday.. I had a very busy day.. I woke up at 10am.. went on a date with this guy, whom I personally met last year..we had a common friend though..and since then he's asking me na  to have a date with him..i keep on giving lame excuses, because i don't want to go on a date with him haha.. however.. some things had changed..because of my New Year's resolution, kasi nga I'll be open for a date na and whoever ask me to have a date whom i think is harmless will get a chance..(feelingera? :p ) so we met at 1pm in Robinson's Galleria, had a lunch at Hyphy's , watched movie.. chit-chat at KK for a while before we bid goodbye.. then I went straight to Market Market to meet my friends there and watched Mission Impossible*ghost protocol* naman... we really want to watch it since december pa kasi..but could not watch it due to our tight schedule, of partying..and going to the mall buying gifts for our loved ones. :) then at about 11 pm nasa Dorm na kami..maaga silang natulog.. pero ako..nanuod pa ko ng *koreanovela* Flower boy Ramyun shop :) till' 3am..keribels ko lang mag-puyat kasi 11am naman duty ko :D hehe


I must say...it was a GREAT Movie.. very intelligent, and funny :)




we're screaming in the movie house as if nobody's there haha We liked it much..It was a bit confusing because some scenes in both movie, has similarities- their concept were actually almost the same..both engaged with bombs & guns.. basta! medyo same lang din ng story :)


AND Today..Jan.17, 2012.. I went home..here in Rizal, because I missed my real family so much.. then I spent the day watching movies..and just surfing the net..wait! nag-dilig din pala ko ng mga halaman namin :) kaya hindi masyadong sedentary ang araw ko ngayon :D





Sunday, January 1, 2012

Start of Something New :)

There must be great opportunity in every ending and 


to start our journey... :)  ofcourse 2011 will never be forgotten though, because of the memories I had there were priceless :) however, I have to keep Moving Forward and enjoy this new journey that i'll be walking on.. :) I know God will always Guide me, as well as my Family..2011 had been a tough year for Us, but we view it positively, as a good trials to strengthen our faith and believe that he will never forsaken Us. :) 


2012 is a year of the Dragon, so it's my year then, haha I will definitely enjoy it. :)
so SMILE! :)


and with my so called lovelife? oh c'mon! do i really have that? errrrrrr! I don't think so...It's funny because every year, on the last day of my planner, I always write "with boyfriend" and a check box on the lower part of Dec.31, so since then, I always came up with an X mark. haha so I give-up!!!! :D just kidding!, i know, that there's no need for me to rush with this one.. but then sometimes...I questioned myself..why i don't have boyfriend? am i that ugly, intimidating, or they just don't like me.. or should I say nobody wants to be my boyfriend, but that's impossible.. right, haha I know some guy, who likes me? they told me.. i just don't know if they really do..well anyway! I don't think they're serious..simply because they can't tell me personally. duh! so torpe whenever someone asked me, if pwede daw bang manligaw, okay lang naman sa akin, the thing is..wala naman silang ginagawang move, the nerve!!! alangan na ako pa mag-effort..eh dapat sila yung magpakitang gilas noh..kaya nakakainis lang, haha kung manliligaw ka, okay! go, pero kumilos ka naman..but ofcourse, hndi dahil sa pumayag akong mag-paligaw...ibig sabihin sasagutin kita..shempre..choice ko pa din yun :) *wow! ang ganda ko diba? haha, pero tama naman ako diba... acutally, isa sa mga new years resolution ko ay, *wag nang maging choosy...* haha pag may nagyayang mag-date or manligaw..Go lang, kung okay lang din shempre yung guy, and kilala ko siya or may common friend din kami :) I know i'm not getting any younger...I'm 23 y/o now, and few mos. fr. now i'll turn 24.. at hindi pa ko nagkakaron ng boyfriend!!! yung totoong boyfriend..NOT m.u or magulong usapan/malanding ugnayan, haha ayoko na ng kumplikadong lovelife..ayoko na ng walang assurance..ayoko ng may kahati..gusto ko yung akin talaga..@ maipapakilala ko sa mga kaibigan ko.. :) haaaaiii... siguro pag nagkaroon ako ng boyfriend..matutuwa din sila..dahil sa wakas! may maipapakilala din ako sa kanila..tsaka..para di na din nila laging inaasar..haaayyy ewan!, haha pero basta, okay lang di lang naman ako ang single sa amin eh..actually puro kami single lol :)) hahaha even in my work place, were all singles!!! the stress lab. girls are all SINGLE!!! kaya no worries! I'm not alone...hahaha but then, we were thinking that maybe our Unit was cursed. whaaaaaaa wag naman sana :D haha kasi si kath (ugat) the newest associates/barkada in college, just got in to our Unit :) at sad to say..last year nag-break sila ng boyfriend nya for 5 years. so after nun..nagkaron naman ng opening dito sa St.Luke's - Global City :) kaya  nag-apply siya..ad eventually she was hired.. :) mabuti na din para maging busy siya..at di na niya maisip ung break-up nila ni puno (her bf) so ayun..ngaun naka-move on na din siya..were helping her to recover from her past..@ shempre! part na siya ng unit namin, @ ng single clan LOL! :)) hahaha joke lang, basta alam ko hindi totoo ung cursed..nagkataon lang na puro kami single :) @ halos lahat ng kaibigan ko single din, but unlike me, nagkaron na sila ng boyfriend..hmp! hahah okay bye for now! :) uwi na ko sa dorm mamaya eh.. :) and back to work na on monday, tapos na ang holidays!!! :)