Thursday, March 7, 2013

Life is too short to keep on weeping. *so keep Calm and SMILE :)

Photo blog (lazy-mode):







:

P.S

Thank you so much Ate Dhiiieeee! :)
sa mga advice mo pati na din sa mga nag-give love saken hehe :) wish I could give you my super duper *power hugs! :) hehe

@sa mga kaibigan kong baliw tulad ko ^_^ I love you all! :)

Update:

Pagdating na pagdating ko sa bahay namin, ibinalita agad sa akin ng nanay at tatay ko na galing daw si Nikko byronne sa bahay namin, sayang daw wala ako, at break na daw sila nung girlfriend nya, deadma lang ako, pero natawa ko sa sinabi ko. "oh talaga? san na si Nikko, sabi ko na nga ba eh, kami talaga para sa isa't isa eh, sabihin nyo yan pag bumalik siya dito" yung nanay at tatay ko ngangeicious! hahah tawa ng tawa!!! :D ako din natawa eh. tapos biglang sinabi puntahan daw namin sa shop nila, na-windang ako! kaya nag-joke na lang ako, sabi ko "wag muna, kasi wala kong dalang gown" hahaha, actually si Nikko, close friend ng kuya ko yun, at close din kami. May tawagan pa nga kami dati-hanggang ngayon "Honey". Kahit nandyan sila Nanay tinatawag niya kong honey, haha pero wala lang samen pareho yun ^_^ pero aminin kinikilig ako dati haha kasi crush ko siya long-time ago. pero waley di kami talo! hinding hindi ko makakalimutan, dati, gabi na ko naka-uwi kasi galing ako sa review ko for NLE. tapos pagpasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay namin bigla ba namang sinabi ni Nikko "Bakit ngayon ka lang?, uwi ba yan ng matinong asawa ha?, kanina pa ko naghihintay dito. san ka galing honey?" at take note: Nandun sila Nanay pati sila Kuya. hahaha tawa lang kami ng tawa nun at ako naman nag-explain sa kanya LOL :)) 

Anyway, di pa kami nagkikita ngayon.. sa fb lang kamustahan..sa graduation nila Myra makikita ko siya! :) at paghahandaan ko yun! :D charot! sabi nga ni Kuya ibubugaw na lang daw niya ko kay Nikko.. pero medyo malabo din, kasi naman noh! Ang gwapo kaya ni Nikko! tapos ang gaganda pa ng mga nagiging girlfriend nya..waley ako panaman sa kanila..maliban sa cute ako, eh maganda sila hahahah :D sorry naman..nagbubuhat lang ng sariling bangko :p
hmmm.. ano pa ba, si Nieco, na ka-choir ko dati, pareho kaming BH ngayon lol :D kaya sa chat wala kaming ibang pinag-usapan kundi ang pagiging sablay namin.. nakakatuwa nga eh..kasi kahit na hindi din kami naging couple. alam niyo na yung laging nangyayari na, andun na tapos nawala haha ayun okay pa din kami as friends :) yup, yup, si Nieco.. hmmm.. Ang kauna-unahang nakapunta sa bahay namin with matching Dinner pa, at close nya din mga kapatid ko mahilig kasi sila sa play station back in 2010 pa.. anyway, basta were friends :) and he's my Alipin, at Master niya ko.  since 2010. pero mind you, walang something samen, though akala ng iba meron. 

lastly, masaya ko kasi.. konti na lang, mawawala na siya sa system ko. :)