Saturday, June 20, 2015

Bitter reality


😞 Eto na naman ako... Hindi ko alam bakit ganito na naman nararamdaman ko.. 😣😢 pinipilit ko na talagang kalimutan siya.. Maraming beses ko ng sinubukan.. Ang gulo gulo niya kasi.. Lagi na lang tuwing okay na ko na hindi siya nagpaparamdam. Bigla nandiyan na naman siya ako naman si tanga talaga mag-rereply na akala mo wala lang hindi ako naguguluhan sa kanya... Tuwing di siya nagpaparamdam shempre Malungkot.. Kasi di naman ako pwedeng mag demand at ayoko naman na ako pa maunang mag message.. Hindi pa nga niya binabasa ung huling message ko sa kanya.. Napaka least priority naman kasi kaya hanggang ngayon unread pa din.. Anyway ganon talaga... Okay lang, hinihintay ko na lang na mapagod ako sa ganito.. 😢😞 

Kanina nga nanunuod kami ng movie.. Shempre chick flick na naman, actually ayoko na nga manuod ng mga ganyan nakakafrustrate lang kasi di naman totoo.. Naiinis ako lalo na kapag sweet na yung scenes or nakakakilig na part shmempre madadala ka tapos kikiligin them maiisip ko hindi naman applicable saken yun... Sa mga movie lang yan, wala namang ganyan sa totoong buhay... Ang lungkot lang kasi napaka-bitter na ng pananaw ko pagdating sa pag-ibig.. Hindi naman ako dating ganito... Dati nasaktan ako pero inisip ko may mas better na dadating... Yung taong mag mamahal talaga saken, yung kahit gaano kahirap yung sitwasyon di niya ko bibitawan... Akala ko nga siya na yung una at huli kong boyfriend... Pero hindi... Kasi una siyang bumitaw...naiinis ako sa sarili ko kasi hanggang ngayon mahal ko pa din siya... Na umaasa pa din ako na baka pag nagkita kami maayos pa namin yung samen... Pero sa nangyayari ngayon parang wala na talagang pag-asa  kailangan ko na lang tanggapin na hanggang dito na lang kami... Kahit na mahirap kailangan ko na talagang mag-move on... Pero sana kung hindi na niya ko talaga mahal at wala na talaga ko sa kanya, hayaan na niya kong mag move on... Ituloy na niya yung hindi pagpapardam saken... Para masanay na ko na wala siya... Para alam ko na din kung saan ko ilulugar yung sarili ko... Para alam ko na din at hindi na ko umasa... Mahal ko siya pero ayoko na kasi ang hirap kaya... para kang tanga lang na naghihintay kung kelan siya magpaparamdam.. Hindi mo alam kung ano ba talaga.. Ginugulo niya lang isip ko... Marami na kong stress dito at sa bahay tapos may ganito pa.. Hindi ko na alam... Bago matulog lagi ko siyang naiisip.. At ang sakit sakit pa din kapag naaalala ko kung paanong ganon lang kadali sa kanya na tapusin ung samen... Kasi shempre hindi naman niya ko siguro talaga minahal... 😢😢😢 ang unfair lang kasi hanggang ngayon ganito pa din ako.. Ako pa din yung talo... Hanggang nagyon iniiyakan ko pa din siya... Minsan  kahit nag aaral ako maiisip ko siya tapos ayun tulala na naman ako parang tanga lang na iiyak tapos magtatago sa comforter ko para di makita ng roommate ko.. Ang weird naman kasi na makita niya kong bigla na lang umiiyak... Haaaayyy... Sana lang makalimutan ko na siya... Kung yun naman ang gusto niya... 

Sa totoo lang may mga nagpaparamdam saken, may humihingi ng second chance pero di naman kasi ko yung tipo ng kung sinong nandiyan siya na lang... Ewan ko hindi ko alam bakit hanggang ngayon siya pa rin.. 😞 siguro dahil siya yung first boyfriend ko at masyado ko lang siyang mahal kaya eto tatanga-tanga pa din.. Haaaaayyy I wanna see him na.. miss ko na siya talaga...gusto ko siyang yakapin ng mahigpit na mahigpit! 

Haaaay naku meshel! 
Tanga talaga. Hopia talaga!