Wednesday, May 11, 2011

i miss...

update sa work...

tagal na din nung huling update ko dito...medyo naging busy na din kasi ko sa work...parang kailan lang ISF ko pa lang....then ngaun 3 months na din ako sa work ko.. :) soobrang dami ng ngyari,..una sa work ko..I'm soooo Happy talaga kasi finally masasabi kong staff na ko dun sa Hospital..kahit na proby pa lang ako ngaun..pero shempre I'm looking forward to be a regular staff na din.. :) after 3mos. ulet...then okay naman sa Unit ko...masaya din and friendly din sila... :) makukulit tsaka fun to be with mga kalog' din.. ^_^ + the fact na magkasama din kami ni teen sa Unit.. :) (my super friend :) fr. college) 
then nung may1 nag outing kami :) sa Green Nature (san mateo, rizal) :) heres our pics..




THE BIRTHDAY CELEBRANTS :)

(Me, May, Girlie and Joy)


Update naman sa life...

haaiiii ayun...di naman ako nawawalan ng problema...nagpapasalamat nga ko kay God kasi di nya ko pinapabayaan pati yung family ko...kahit papano nakaka-survive kami sa mga pagsubok na dumadating samen... sa totoo lang marami pa kong dapat mas iniisip kesa sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko ngaun...ang lovelife..haaayyy..di ko nga din alam kung bakit..haaaiii...ewan ko bakit ba kasi ko ganito..kung bakit kasi pumasok na naman ako sa ganitong sitwasyon..sabi nga ni teen.. it's complicated... tama nga naman...kasi yung sitwasyon namin ngayon...we both like each other? sabi nya he likes me..and i believed that..then ayun okay naman kami kaya lang may mga bagay din kasi na hindi pa napapanahon..@ ganon yung samen...ayun magulo kasi di ko lam kung pano ko i-eexplain ng maayos..basta hindi pa siya pwede..were illegal.. @ "were" talaga..as if naman merong kami..ayun na nga...umalis siya papunta sa ibang lugar..pero dito lang din naman sa phil. pero magkalayo kami ngayon...alam ko naman nung una pa na pag nandun na siya magiging busy na talaga siya @ importante yung mga bagay na gagawin niya dun... @ isa pa ayoko namang makipag-compete kay God..
I will never ever gonna do that...
okay..ayun nga sobrang naiintindihan ko na busy na siya...pero shempre sana kahit 1 text man lang ng "hi" o kaya "musta" "nyt" mga ganon or kahit smiley na lang... haaaayyyy am i being demanding ba??? ang saken lang naman kahit sana 2mins. lang ng time nya..just to let me know na nandyan pa din siya...or ano ng ngyayari...haayyy..masyado kasing malawak mga imagination ko..kung ano-ano ng naiisip ko..ewan ko ba..kapatid ko ata si paranoia..haaaiissttt..nung isang araw lang..di ko talaga natiis..i texted him.. kasi 2 days din siyang di nagparamdam..actually ayoko na din talaga siyang i-text or umasa na magt-text pa siya..kasi alam kong ma-d disappoint lang ako pag di pa din siya naka-alalang mag-text..haaayyy..ayoko na ngang isipin eh..ang hirap pala...tapos wala pa kong karapatang mag demand ng time niya.. haaii kunsabagay una pa lang nilinaw na niya..na wala kaming napag usapan..@ wala siyang ipinangako.. haaay ewan ko din kung bakit ako ganito..siguro in time masasanay din ako...kaya lang pano pag yung time na yun dumating na..@ mawalan na talaga kami ng comm. :( oh...that's sad talaga..haaayyy..pero ganyan talaga ang buhay... hay naku lagi na lang..sa umpisa lang talaga masaya.... :'/ pero lam ko kahit na naging ganito..or hindi man maging maayos ang lahat..wala naman akong pinagsisisihan..masaya din naman ako nung nakilala ko siya and yung mga time na magkasama kami.. :) di man ganon kalalim pero marami din kaming memories together :) haaayyyyy mas lalo ko tuloy xang na-miss.. pero hindi talaga to' dapat...kailangan kong umusad..ayokong maghintay ng wala namang hinihintay...actually..I'm willing to wait..kung gusto niya..kung sinabi niya lang saken..pero hindi..naintindihan ko din naman...@ alam ko namang marami pang pwedeng mangyari..pero kung tinanong niya ko nun..payag ako..I can wait.. kilala ko naman sarili ko eh..kaya lang shempre di naman niya hiniling na hintayin ko siya..kaya parang.. what's the use of waiting diba??..ewan ko lang din kung ano bang ginagawa kong to' haaaaiii adik talaga kasi ko eh..haiiiiiiiiiiiiiiiiiii....


Sunday, February 13, 2011

Patience is Virtue :)







Last monday feb.07, 2011 is my date of hiring :) 
I'm sooooooooooooooooo happyyyyyyyyyyyyyy

Thank you so much po God :) kulang ang salita para ipaliwanag kung gano ko kasaya :)

Feb. 07,2011 (Monday)
nung una k0ng tinan0ng ng date of hiring ko..Dun sa Job Offer saken di ko pa alam ung isasagot ko haha eh sa hindi ko alam eh :p yun pala 02.07.2011 <3 yey! So0o0o happy! :) then today ako nag start ng ISF (Inducti0n to St.Luke's Family) wheeee! Thank God po talaga..Actually nung nasa St.Luke's - qc pa ko as Casual, it was my Dream na talaga to be part of St.Luke's Medical Center :) yung may official I.D Then pag nag time in/time out sa bi0metrics na lang! :) n0 need to use bandy clock anym0re yey! Hehe hay...Masaya talaga ko!Ü then sa ISF tinuro samen ung mga policy,org.Charts,slmc history..Then pumunta ung mga Manager sa iba't ibang divisi0n :) para i-welc0me kami @ bigyan ng info. Tungkol sa work @ c0ntributi0n nla sa slmc ü then the next day c0ntinuati0n ng mga c0de of ethics/discipline rules and regulati0n

to be c0nt.. :)

Thursday, February 3, 2011

Thank God

Wheeee! :) I'm Bacccckkkk with GOOD NEWS! :)
wheeeeee lapit na ko magka work! :) diba same day lang nung nagem0te em0te ang lola nyo..Nung fri. Hehe after ko mag pray that day as in iyak to the highest level pa ko nun kasi nga s0brang sad ako..Ung feeling na parang wala ka ng patutunguhan...Napag iiwanan ka na..Gan0n ung nararamdaman ko nun..Then after an hour I received a call from my friend.. Ü WOW!!! As in Mega mega! Ang bilis ng resp0nse ni GOD.. I'm so Happy Talaga! Ur the Best po talaga i love you so much! :) sinabi saken ng friend ko na di na freeze hiring ang GC @ may vacant positi0n sa unit nila,tinan0ng nya ko kung gusto ko mag apply sabi ko naman shempre! Super duper uber like! Then aun the next day..


Sat. Jan.29 i went to her..Binigay ko ung mga credentials ko :) and shempre mega mega pray ako.. :) then tupad ko sa church..Choir kasi ako.. :) and did i menti0n na din ba bef0re na Iglesia Ni Cristo ako :) then ayun..During the pagsamba..Nagpray ako..Lahat ng prob. Ko sinabi ko lahat kay God..Kasi sya lang naman ang malalapitan ko sa mga panah0ng ganito..Then super solemn ng pagsamba namin pati ung pag-awit namin mabiyaya..Tapos nung texto na..Grabe! Sobrang bagay saken ung leksyon! :) tungkol sa faith natin kay God @ pagiging matatag.. :) after ng pagsamba ang gaan ng pakiramdam ko :) tapos shempre before ako natulog nag-pray ako :) then pag-uwi namin naglaro ko ng cityville sandali hahaha okay okay adik na ko dito hahaha natulog din ako ng maaga ngayon..mga 12am haha may pupuntahan kasi kami ni monnette (B2) ^_^


Sat. Jan. 30 Sunday..
Nagising ako sa alarm clock ko ng 3:30am malamang heheh infairness ha!!! na-miss ko din gumising ng ganyang oras..kasi nga dati ganyan ang gising ko everyday..nung nagdu-duty pa ko sa endoscopy :) well anyways, ayun pag-gising ko nagluto muna ko..then nag ligpit na din..walis walis..para waley na ma-say ang aking mother pag nag paalam ako heheh ^_^ tapos tinext ko na din si b2, ginising ko siya..then mga 5am nag-meet kami sa labas ng subd. namin :) then kanina habang naglalakad ako..ang ganda nung moon tsaka nung stars..dramatic effect ^_^ oo promise basta ang ganda..sayang nga lang eh...kung may slr lang ako.. i can share it with you.. then mga 515am nagbiyahe na kami..kaya lang badtrip yung jeep na nasakyan namin T_T grrrrrrrr asar talaga!!!! Kulang na lang lhat ng kanto sa montalban hintuan!Kainis talaga aynako! Sinimangutan @ inirapan ko talaga sila! tapos mga 610am nasa batasan pa lng kami..Whaaaa super pray ang mga lola nyo...Na kahit makapasok lang kami sa lo0b ng kapilya kahit nakatayo na..Then pagdating sa tandang sora bumaba kami para mag taxi..Mga 625am yun..So sinabi namin sa Pasong Tamo sa Iglesia(kapilya) so ayun..Nakahinga na kami ng maluwang..Tapos biglang nagtanong si Manong Driver.."mag u-u-turn ba tayo o diretso" sabay nagkatinginan kami ni Monnette! O_O huwwaaatt?! Di din pala alam ni Mamang Driver! Kaloka hahahaha so nagtan0ng kami sa mga tao dun..Mga 630 na yun..Napuntahan na namin ung lugar..Pero yung kapilya hahanapin pa namin then may nakita kaming mga arrow na may "green,white,red" so we followed those arrows kasi un ung flag color namin INC :) then biglang nawala yung mga arrow, so sabi ko pa na inconsistent naman!Naglagay pa sila! Then pagtingin ko sa left side ko may arrow ulet! So we followed it again haha ang kulit nga eh! Para kaming si Dora the explorer! XD Haha COOL! :p then we stopped dun sa isang kanto di na kasi kasya yung taxi dun..640am na 5mins.Na lang kaya tumakbo kami take note nka heels pa ko!Kamusta naman diba? XD haha then pagdating namin start na ung pag awit..@ nakaupo pa dn kami BUT we weren't able to get inside the kapilya mismo kasi maliit lang..Puno na so dun kami sa extension TV lang..Amp! Parang an0 ba yan..Sumamba nga kami para makita xa ng personal pag nagtexto na si Gen eh..haha then ayun okay naman ung pagdeliver nya ng texto..Though he had some dead air..Ung nagppause..Pero magaling talaga sya no doubt un..Nagkataon lang na inedit ung inaral nya before the pagsamba..So nanibago sya..Tsaka feeling ko sinabotage xa! Haha ch0s! Basta..May mga lines na dapat sa 1st part yun eh..Pero yung ngyari dun napunta sa pang 2nd na nagtexto..Well anyways, bawi sya next time :) ü

Then after pagsamba we had some picture taking..Tapos nag Mcdo kami :) kain tapos kwentuhan.. :) super saya ü then binigyan niya ko ng notebook.ü love it then kay b2 keychain :) ayun! Pagod pero masaya! :)


Jan.31 monday ü