Wednesday, February 27, 2013

frienemies forever.

(this picture was taken, while waiting for our patient. @7th flr. #myfrienemy)

Kahapon sobrang na-offend talaga ko sa mga sinabi ni Dr. B =( grabe siya, hindi man lang niya na-appreciate yung ginawa kong video nung Birthday niya. Kahit antok na antok na ko dahil late na din kami naka-uwi from work, ginawa ko yun to make him Happy kasi favorite namin si Dok, kahit na napaka-Bully niya, minsan naman kasi, may natatago naman siyang kabutihan. Kahit na madalas nag k-clash kami, kasi lagi niya kong inaaway at binu-bully! Alam ko naman na ganon talaga siya, at sanay na ko kasi shempre di ako pumapayag na i-bully niya w/o fighting back ha! kaya madalas kaming mag-away! Were frienemies! We were clashing almost every day,  kaya sanay na din ako. Kaya lang sobra na siya =( lagi na lang ako yung masama, tanggap ko naman na medyo masama talaga ugali, masungit ako, careless,  rude, bully eh bakit ganon din naman siya. Akala mo kung makapagsalita siya napaka-buti niyang tao, samantalang siya nga yung laging nang-aaway saken, minsan sinasakyan ko na lang kasi  natatawa na lang din ako minsan. Pero sobra na wala naman siyang karapatan para husgahan ang pagkatao ko =’( kung ano-ano na yung mga sinasabi niya ako na lang lagi topic pag nagk-kwento siya, nakakainis na kaya!!! =( kung di pa nasabi saken ni Bianca di ko pa malalaman, eh bago ko malaman yun inaasar ko pa si Dok nun, nagp-picture pa kami, ang saya-saya pa ng duty naming nun.. tapos ganon na pala.. sa sobrang sama ng loob ko, binura ko na siya sa facebook ko. kanyang kanya na account niya, D-U-H! aanuhin ko naman mga picture niya, feel na feel niya stalker daw ako? Eh kumuha lang naman ako ng picture niya dun para may mailagay ako sa video na ginawa ko, para naman sa kanya yun, anong masama dun? Kesyo di daw ako nag-paalam man lang, eh naman! Surprise nga eh, sa sobrang sama ng loob ko di na ko nagsalita after nun, kasi naiiyak na ko nun, pinigilan ko lang sarili ko, kahit na habang nagp-pasyente ko naiiyak ako kasi, nasaktan talaga ko, sobrang bothered ako, kung mali ba yung ginawa ko, kaya tinanong ko na sila Doktora kung may mali ba sa ginawa ko, at dahil napaka-iyakin ko talaga, di ko na napigilang maiyak sa harap nila, kasi sobrang bigat na ng loob ko, yung feeling na kahit anong pigil ko na wag maiyak, naiyak pa din ako. Sabi nila Doktora na-appreciate naman daw siguro ni Dr. B yun, pero bakit ganon siya? =( ang sama niya talaga, I hate him so much! Dahil sa kanya mukha kong binugbog dahil magang maga mata ko hanggang pag-uwi ko sa dorm ang hapdi ng mata ko. Actually hindi ito yung first time na mag-clash kami, kahit nung isang araw nag-clash na kami, tungkol naman sa endorsement. Napaka-sungit niya kasi, eh masungit din ako, I don’t care if he’s a Doctor, I’m just doing my job, I informed him lang naman regarding dun sa patient ko na may AF, tapos sinungitan na ko agad ang dami na niyang sinabi, kaya sumagot ako, pinagtanggol ko lang yung side ko kasi wala naman akong ginagawang mali, nag-informed lang ako, tapos kung makapag-sungit siya wagas! Tse! Di siya uubra saken.. pero after kong sumagot-sagot kay Dok, na-guilty din ako, pero bakit ba.. wala kong ginagawang masama. Last year din, nag-away na kami, umabot pa nga na ayoko ng magpa-rotate sa 7th flr. Kasi dun siya naka-duty, di kami nagpansinan dati ng mga 2weeks. As in deadma galore, nag-away din kami naman regarding sa religion, pikon din naman si Dr. B, pero dahil iyakin ako, laging ako yung talo. Di ko na mabilang kung ilang beses na kong umiyak dahil sa pamb-bully niya emotionally! =( I really really hate him for the nth time! 

1 comment:

  1. Awww! minsan talagang makakarana ka ng ganyan, may makakasama kang insensitive, walang pakelam sa pakiramdam ng iba.. Pero smile lang, wag mong ipahalata na apketado ka sa mga ginagawa..

    ReplyDelete